COVID DEATH TOLL SA QC, UMAKYAT SA 278

MULING nakapagtala ng panibagong tatlong pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City.

Bunsod nito, umakyat na sa 278 ang bilang ng mga namatay sa lungsod hanggang noong Hulyo 23, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH)

Base pa sa report ng DOH, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad ay umabot na sa 5, 590.

Nasa 5, 490 naman ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices sa nasabing Lungsod.

Ang active COVID-19 cases ng siyudad ay 2,198, habang 25 ang bagong recoveries na nagdala ng kabuuang bilang ng mga gumaling sa 3,014. (JOEL O. AMONGO)

137

Related posts

Leave a Comment