COVID POSITIVITY RATE SA PASAY UMAKYAT SA 11.78%

PUMALO na sa 190 katao ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City makaraang makapagtala ang lungsod ng bagong 58 kaso ng nasabing sakit.

Ang positivity rate ay naitala sa 11.78%. Habang umabot naman sa 69 ang bilang ng positive cases sa isang barangay na itinuturing na may pinakamataas na kaso, o 34%, sa lahat ng mga barangay sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Pasay City Health Office, sa kabuuan ay umabot na sa 14,401 ang gumaling sa COVID-19 kabilang na rito ang 17 bagong nakarekober sa naturang sakit simula noong nakaraang taon.

Isinailalim naman ng LGU sa Localized Enhanced Community Quarantine ang 22 barangay dahil apektado ng COVID-19 ang 40 households. (DAVE MEDINA)

147

Related posts

Leave a Comment