HUMANTONG sa karsel ang isang curfew violator nang makumpiskahan ng marijuana sa Valenzuela City.
Swak sa hoyo si John Christian Delima, 20, ng Generoso St., Tomas Manuel, Karuhatan, Valenzuela City.
Ala-1:30 ng madaling araw noong Hulyo 7 nang naispatan ng mga pulis si Delima na gumagala at nang ipalabas ang identification card ay nakakita ang mga pulis ng isang glass pipe na may marijuana sa loob ng sling bag ng suspek kaya’t agad siyang dinakip.
Nasamsam din sa suspek ang isang nakatuping P20 na may nakaipit na marijuana, isang disposable lighter, plastic sachets, sling bag, at isang Bureau of Internal Revenue (BIR) card.
Ang suspek na inisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay mahaharap din sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
137 