CUSI SINISI SA ‘DI PAGHARAP NG KAPITAN NG BANGKA KAY DU30

risa12

(NI NOEL ABUEL)

SINISISI ni Senador Rissa Hontiveros si Energy  Secretary Alfonso Cusi kung kaya’t nagbago ng isip ang kapitan ng bangkang pangisda na sinagasaan ng Chinese vessel na humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Hontiveros, walang ibang dapat sisihin sa pagbago ng isip ni Junel Insigne, ang kapitan ng F/B GEM-VIR 1 na magtungo sa Malacañang, matapos sabihin ni Cusi na hindi sinadyang banggain ang bangka ng mga Pinoy fishermen.

Sinabi pa ng senadora na labis na nasaktan ang mga Pinoy fishermen sa pahayag ni Cusi.

“It becomes completely understandable, then, why Junel Insigne, captain of the F/B GEM-VIR 1, backed out of the meeting with President Rodrigo Duterte. With public officials like Secretary Cusi, who needs enemies?” tanong pa ni Hontiveros.

“Secretary Cusi says that the ramming of the F/B GEM-VIR 1 by a Chinese fishing vessel was unintentional because the impact from the collision was at the side of the stern. Is the Secretary of Energy now an expert at evaluating collisions between sea vessels? Is he now lawyering for the Chinese government?” pag-uusisa pa nito.

Nananawagan din ang senadora kay Cusi na magbigay ng paumanhin sa pahayag nito upang mawala ang sama ng loob ng naagrabyadong mangingisda.

166

Related posts

Leave a Comment