DAHAS VS COVID-19 LAW VIOLATORS BINATIKOS

IGINIIT ni Senadora Leila de Lima na hindi karahasan ang solusyon upang umiwas ang mamamayan sa COVID -19.

“Violent measures to implement health protocols have failed to curb the pandemic, and instead resulted in human rights violations, and even death. It also highlighted the extent of the oppression the government can inflict against the struggling poor,” paliwanag ng senadora sa kanyang press statement.

Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP).

Ikinatwiran ni Duterte na yantok ang gagamitin ng mga pulis upang sumunod ang mamamayan sa mga awtoridad at sumama sa presinto.

Sinimulan ng PNP-Taguig, sa pamumuno ni Col. Oscar Rodriguez, ang paggamit ng yantok sa nasabing lungsod, partikular sa Bonifacio Global City (BGC).

“The [Duterte] government is still propagating the pasaway narrative to blame the failed crisis response on the people. Walang disiplina?  Ilagay sa kulungan ng aso, ibilad sa araw, patayin kasi mukhang bubunot ng baril, at ngayon naman ay hatawin ng yantok para magtino,” birada ni De Lima.

“Sa hinaba-haba ng lockdown, malinaw naman kung sino ang walang disiplina at hindi marunong sumunod sa safety protocols. Bakit hindi sila disiplinahin at papanagutin?” patuloy ng mambabatas.

Hindi niya binanggit ang mga pangalan ng mga taong sadyang lumalabag sa batas at alituntunid laban sa COVID-19.

Ngunit mukhang sina PNP chief Debold Sinas at Presidential Spokesman Harry Roque Jr. ang pinatatamaan ng senadora.

Si Sinas at iba pang mga opisyal ng PNP ay kinasuhan sa piskalya ng Lungsod ng Taguig sa kanilang paglabag umano sa batas tungkol sa COVID-19 noong Mayo makaraang magkaroon ng “mass gathering” sa pagdiriwang ng kanyang Ika-55 kaarawan noong Mayo 8.

Direktor si Sinas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang isagawa ang pagdiriwang.

Ang isyu naman kay Roque ay nang humarap at magsalita ito sa napakaraming tao sa Bantayan Cebu kung saan nakita sa litratong kumalat sa media na magkakadikit ang mga tang nanonood at nakikinig kay Roque.

Idiniin ni Roque na hindi niya kasalanan kung mag-umpukan ang mga tao nang magsalita na siya. (NELSON S. BADILLA)

130

Related posts

Leave a Comment