DBM: WALANG DELAY SA INFRA FUNDS

PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon ng pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa infrastructure projects.

Ayon sa DBM, lahat ng budget releases ay mahigpit na sumusunod sa 2026 General Appropriations Act at hindi maaaring ilabas nang basta-basta.

“DBM does not arbitrarily delay the release of funds,” diin ng ahensya.

Ipinaliwanag na ang ilang proyekto ay sumailalim sa Congress Introduced Changes and Adjustments (CICA), kaya kailangan pa ng karagdagang validation at clearance mula sa Office of the President bago maaprubahan ang pondo.

Ang mga proyektong ito ay inilagay sa ilalim ng FISARO—kung saan kailangang magsumite muna ng kumpletong dokumento ang implementing agencies bago maglabas ng Special Allotment Release Order (SARO).

Dagdag pa ng DBM, hindi nila kontrolado ang timing ng requests dahil nakadepende ito sa pagsusumite ng mga ahensya.

“Budget releases are triggered by official requests… not unilateral action,” paliwanag pa ng DBM.

Giit ng ahensya, hindi nila pinapabagal ang proyekto—tinitiyak lamang na legal at tama ang bawat sentimong inilalabas ng gobyerno.

(CHRISTIAN DALE)

46

Related posts

Leave a Comment