DEFENSOR NEGATIBO NA SA COVID-19

NEGATIBO na sa coronavirus 2019 o COVID-19 si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Ito ang kinumpirma ni Defensor sa isang video message habang kasama ang kanyang bunsong si Yana ngayong gabi.

“Thank you everyone. Thanks for all your prayers. For me and my family I’m already negative and I’m playing with my daughter Yana. Thanks, love you all,” ani Defensor.

Bago ito ay pinasalamatan din ng anak ni Defensor ang mga nagdasal para sa kanyang ama na dalawang linggo na ang nakararaan ay nagpositibo sa nasabing virus.

Kahapon ay muling nagpa-swab si Defensor matapos ang dalawang linggong pag-isolate at negatibo na ang resulta nito.

Isa si Defensor sa 15 mambabatas sa Kamara na nagkaroon ng COVID-19 mula noong nakaraang taon kung saan dalawa ang namatay.

“Cong’s COVID-19 swab test is now NEGATIVE. Mike Defender! Thank you very much for the prayers and your support. Remember to wear a mask, wash your hands, do social distance, and don’t go out if you really don’t need to. Stay safe, everyone!” post pa ni Defensor sa kanyang FB account. (BERNARD TAGUINOD)

139

Related posts

Leave a Comment