DENSING ‘NILAGLAG’ NG DILG

MISTULANG inilaglag ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isa sa mga opisyal nitong si Undersecretary Epimaco Densing III dahil sa ‘palpak’ na pahayag nito ukol sa sobrang laki ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Inihayag ni DILG Spokesman Jonathan Malaya na sariling opinyon lamang ni Densing ang pahayag nito hinggil sa biglang pagsirit sa walong libo pataas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ani Densing sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, “This is a problem which we cannot anticipate. We do not know how the problem will move. We have no direct solutions right now except the vaccines”.

Idiniin ni Malaya na inilaan ng DILG, bilang bahagi ng National Task Force COVID-19, ang lahat ng “time, efforts, and resources together with other government agencies in containing the surge”.

Ipinunto pa ng opisyal na aktibo ang DILG sa pagsugpo ng administrasyong Duterte sa patuloy na pagsahol ng kalagayan ng COVID-19 sa bansa. (NELSON S. BADILLA)

222

Related posts

Leave a Comment