HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na makiisa sa kampanya para tuluyang wakasan ang tuberculosis sa bansa.
Panawagan ng ahensya sa mga komunidad at sektor na lumahok sa “Light Up PH para sa Pilipinas na tuberculosis-free,” kung saan sabay-sabay na magsisindi ng pulang ilaw sa Marso 24, alas-6 ng gabi.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang kolektibong determinasyon laban sa Tuberculosis, habang hinihikayat din ang paggamit ng energy-efficient lighting sa loob lamang ng limang minuto.
(JULIET PACOT)
98 