DONAIRE, INOUE NEXT TARGET NI CASIMERO

SI WBC champion Nonito “The Flash” Donaire Jr. o kaya’y si unified bantamweight world champion Japanese Naoya Inoue ang sunod na gustong kalabanin ni WBO champion John Riel Casimero.

Naipagtanggol ni Casi-mero ang kanyang ­titulo kontra Cuban Guillermo Rigondeaux noong Linggo (Manila time) sa pamamagitan ng unanimous decision.

Boring man ang laban ng dalawa, na naghabulan lang imbes na magsuntukan sa ibabaw ng ring, bumawi naman si Casimero sa kanyang post-fight interview.

Katunayan, naaliw ang sportscaster na si Jim Gray sa sagot ni Casimero hinggil sa susunod niyang plano matapos ang laban kay ­Rigondeaux.

Inangat ng Pinoy fighter ang kanyang tatlong daliri at isa-isang ibinaba ito habang binabanggit ang pangalan ng mga gusto niyang makalaban.

“This is my plan. Three people. First, Rigondeaux finished. Second, Donaire. And next, Inoue,” ani Casimero, hanggang matira ang kanyang middle finger o hinlalato.
“That was colorful,” gulat na natatawang reaksyon ni Gray. (ANN ENCARNACION)

221

Related posts

Leave a Comment