DOUBLE ENTRY SA P1.2-B GREENING PROGRAM NG ELCAC PINASISILIP

PINAREREBYU ni Senador Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang P1.2 bilyong greening program ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) baka may double entry sa recipient na barangay ng naturang proyekto.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na dapat matiyak ng DENR na walang double-entry ng pagpopondo dahil may magkakasalungat na accounts ang DENR at National Security Council (NSC)/National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) sa P1.2 bilyong pondo na inilaan sa greening program ng barangay na wala nang conflict.

Ayon kay Binay, dapat maresolba kaagad ang isyu bago simulan ang budget plenary hearing dahil sangkot dito ang napakalaking pondo na maaaring gamitin sa ibang ahensiya na nanghihingi ng panggastos.

“Kasi kung may double-entry pala, that’s P1.2 billion funding that we can allocate maybe to DOH or another agency in need, ‘di ba? So siguro magandang tingnan kung talagang hindi nago-overlap ang listahan ng barangays,” ayon kay Binay.

Sa ginanap na budget deliberation ng DENR, nakatakdang magbigay ang NTF-ELCAC ng tig-P1.5 million sa 822 barangays na nalinis sa conflict para sa kanilang greening projects.

Ipinaliwanag ni Binay na ibinulgar ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na may P1.2 bilyon na pondo na bahagi ng badyet na P16 bilyon ng NTF-ELCAC.

“So more or less, close to 1.2 billion, well, technically, parang additional 1.2 billion for the greening program. May coordination po ba with DENR and iyong implementing, or kayo po ba ang

magiging implementing agency, or tuturuan n’yo ba ang mga barangay na gagawa nitong greening program? And paano po natin maa-avoid ang overlapping of funding?” ayon kay Binay.

Pero, sinabi naman ng DENR na isinama na ang P5 bilyong alokasyon ng National Greening Program ng mga barangay sa ilalim ng ELCAC greening project.

“Actually the target for the ELCAC barangays are already included within our budget. Hindi po siya over and above the national greening project. So for 2020, we have about 276 barangays who are involved, who are within the ELCAC areas. So mayroon po tayong target about 27,751 hectares doon sa iba’t ibang barangay,” ayon kay Director Lourdes Wagan of the Forest Management Bureau.

Pero, sinalungat ni Binay ang katwiran ng NTF-ELCAC.

“Kasi noong pinipresent sa amin iyong ELCAC budget, it is considered over and above doon sa greening program. Kasi ‘di ba parang each barangay will get 20 million, and part of the 20 million is

a 1.5 million greening project,” ayon kay Binay. (ESTONG REYES)

224

Related posts

Leave a Comment