DU30 LATE NG 2-ORAS SA PMA GRADUATION

pma2

(NI HARVEY PEREZ)

NAANTALA ng dalawang oras ang graduation rites ng Philippine Military Academy “Mabalasik” Class of 2019, Linggo ng umaga matapos ma-late ng dating si President Rodrigo Duterte sa Camp Fort Del Pilar sa Baguio City.

Nabatid na alas-9:00 ng umaga ang nakatakdang graduation ng mga kadete pero dumating ang convoy ng Pangulong Duterte ng alas-10:55 ng umaga.

Nagsisimula nang mag martsa para bumuo ng squads sa Borromeo Field pero nahinto nang dumating ang  presidential motorcade  sa PMA ng alas-10:55 ng umaga.

Habang papunta sa grandstand ng  Barromeo Field Grandstand,sinalubong naman ang Pangulo ng background ng kanta ng kanyang masugid na supporter na si Freddie Aguilar.

Dumalo rin sa graduation rites ng PMA si  Leni Robredo at  Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaupo sa bandang kanan at bandang kaliwa naman si Lorenzana.

Samantala, dalawang lalaking kadete ang hindi nakasama sa graduation rites dahil sa pahlabag sa regulasyon.
Hindi naman kinilala ng pamunuan ang dalawang hindi pina graduate , dalawang araw bago na commissioned bilang mga junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Maj. Reynan Afan, spokesperson ng PMA malamang sa graduation rites na ng PMA Class 2020 makasama ang dalawang kadete.

Kinakailangan umanong tapusin ng dalawang kadete ang “task”  na pinagagawa sa kanila bilang bahagi ng punishment dahil sa paglabag sa regulasyon.

Ayon kay Afan hindi naman nalabag ng dalawang kadete ang Cadet Honor Code, kaya hindi naman sila sinuspinde.

 

299

Related posts

Leave a Comment