DU30 NANINDIGAN SA PAG-VETO NG ENDO BILL

endo77

(NI BETH JULIAN)

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ipinangako na protektahan ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawang Filipino at tuldukan ang lahat ng uri ng mapag-abusong gawi sa lugar ng paggawa.

Ito ay kasunod ng pag-veto ng Pangulo sa Endo Bill.

Binigyan-diin ng Pangulo na bagama’t sadyang dapat ipagbawal ang labor only contracting system, kailangan ding pahintulutan ang mga lehitimong job contracting basta’t sapat ang kapital ng kontraktor, may supisyenteng puhunan at kayang ibigay ang lahat ng benepisyo sa mga manggagawa sa ilalim ng labor law.

Ayon pa sa Pangulo, dapat payagan ang mga negosyante o employer na alamin kung kailangan pa nilang mag outsource ng ilang trabaho o hindi na lalo na kung ang job contracting ay magreresulta sa pag-unlad ng negosyo at episyente ito sa kanilang operasyon nang hindi naman nakasasakit sa mga manggagawa kahit pa ito ay may direktang kaugnayan sa kanilang negosyo.

Inihalimbawa pa ng Pangulo ang desisyon ng Korte Suprema sa ilang pagkakataon na nagsabing habang ang Saligang Batas ng bansa ay nag-uutos na dapat protektahan ng estado ang karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang kanilang kapakanan, ang polisiyang ito ay wala namang intensyon na sirain ang kapital o pangasiwaan.

Sinabi  na kailangang maobserbahan ang isang malusog na balanse sa pagitan ng nagbabanggaang interes ng labor at management.

Dahil dito, binigyang diin ng Pangulo na naniniwala siya na sinisira ng malawak na kahulugan ng labor only contracting ang balanse at maglalagay sa kapital at management sa isang imposible at mahirap na sitwasyon na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa mga maggagawa sa pangkabuuan at sa pangkalaunan.

 

 

 

183

Related posts

Leave a Comment