KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, lumabas na ang resulta ng COVID test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kay Duque nitong Sabado ng gabi at lumitaw na negatibo siya sa naturang virus.
Sa kabila nito, mananatiling naka-home quarantine ang kalihim ngunit tuloy ang pagtatrabaho nito.
Nauna rito, kusang nag-home quarantine si Duque matapos magkaroon ng close contact sa isang direktor ng DOH na nagpositibo sa virus. D. ANIN
