(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
BINALAAN ng ilang netizens ang publiko sa ‘galawang Bong Go’ na anila’y isang tuso.
Reaksyon ito sa social media kaugnay pa rin ng mga patutsada ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte kay Sen. Bong Go kamakailan.
Para sa ilan, maitutulad sa sugal na magaling maglaro si Go at alam nito kung saan pupusta. Ang pagiging tuso umano nito ang dahilan kaya ito tumagal sa poder ng dating Pangulo.
Sa Hakbang ng Maisug rally kamakailan sa Pampanga, may halong hinanakit at panunumbat ang mga tirada ni Mayor Duterte sa kumpareng si Go.
Hinamin nya rin itong magsalita at ipagtanggol ang kanilang mga kababayan sa Davao na sinisikil umano ng administrasyon matapos ang mga pagsalakay ng pulisya sa ilang compound ng nagtatagong si Pastor Apollo Quiboloy.
Kasunod nito, nag-post sa kanyang Facebook account si Baste na pinararatangan si Go na ginagamit ang matandang Duterte para sa publicity.
Sagot ni Go, may tamang panahon para sagutin niya ang mga isyu.
Tiniyak din nito na patuloy ang kanyang pagsuporta sa mga Duterte at sa mga Dabawenyo. Pero gaya aniya ng turo ni dating Pangulong Duterte, uunahin niya ang pagseserbisyo, pagmamalasakit, at pagmamahal sa kapwa nang higit sa kanyang sarili.
Ngunit hindi nagpatinag ang batang Duterte na sinabing ngayon ang tamang panahon para tumindig si Go laban sa panggigipit ng administrasyon.
“There is a time for everything and the time is now to stand against tyranny Mr. Bong Go. Sige ra kag selfie nga naay ayuda ginahatag and if not selfie ana akong amahan kay gamiton nimo for publicity,” post ni Baste.
Kinuwestyon din niya ang senador kung wala ba itong sariling paninindigan sa pulitika.
Sa social media, may kanya-kanya ring opinyon ang netizens. Naniniwala ang ilan na tinalikuran ni Go ang mga Duterte para sa ambisyon sa pulitika.
Sigurista anila ito kaya para hindi makasama sa paglubog ng barko ng mga Duterte ay tumalon na ito sa kampo ng mga Marcos.
Basahin ang kanilang mga komento:
𝗻𝗶𝗸𝗸𝗼:
Ingat kayo diyan Kay Bong Go. Di yan naka survive ng matagal bilang sidekick ni Duterte kung di yan tuso.
Zaddy:
Boat is sinking… save yourself syempre.
Bigotilious:
Nag-iispy lng yan.
Belen:
Ay…bagong selfie boy ng Marcos brood…
4Barbelo:
Secure the position si bong go? Mukhang totoo yong sabi ng kakakbyan Nina Marcos, kunyari lang yang friendship ni Imee sa mga Duterte.
Lyca:
Huwag maniwala diyan. Spy yan parang mga chinese ng pogo at west philippine sea
Vangie:
Wag iboto imee n Go , mga plastic!!!
Arch Angel:
anong iniwan? kumbaga malware yan sila tinanim ni tatay. lol
BELAT:
Spy si imee sa mga duterte spy si bong go sa mga marcos hahaha
Marivic:
Pinaplastic lng ni bong go Ang mga marcoses pra makakuha Ng simpatya sa dating na 2025 election,may pa teleserye effect pa Silang 2 ni baste,alam na Namin Yun oii,pa compliments ni bong go gamit pa more,like Sara,like bong go.galing nila.
Saul:
Wag nyo ibash si Sen Bong Go dahil malabong iwanan nyan si PRRD dahil yon ang boss niya. PA siya ni PRRD diba mas malapit panga sya kay Prrd kaysa kay VP Sara?
BGYOboi:
Lipat partido ka na BonGo?
Wala na bang pakinabang sa yo
ang Tatay BFF Digong mo?
Napaghahalata ka namang masyado.
Jm Okwen:
They’re playing the game. Imee is the spy to dutertes. While Bong is the spy in Marcoses. Hahahaa
