ANGELIKA DELA CRUZ NILOOBAN ANG BAHAY

Kinumpirma ng actress politician na si Angelika dela Cruz na nilooban ang kanilang bahay kamakailan.

Sa kabila ng lahat, labis siyang nagpapasalamat dahil ligtas ang ina at kapatid na si Mika dela Cruz.

“Sa mga nagtatanong po totoo po yan… nagpapasalamat po ako sa mga tanod ng Barangay Longos at mga pulis sa agarang responde at nahuli po ang tao. Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika,” saad ni Kapitana sa kanyang Facebook account.

Biyernes ng madaling araw nang pasukin ng magnanakaw ang kanilang bahay.

Dumaan umano ang magnanakaw sa isang spot na hindi kita ng CCTV.

Wala naman daw nawala at nahuli na rin ang salarin.

“OK naman si mommy at Mika sobrang ninerbyos lang. Magkausap kami sa cellphone buong time na andun ‘yung tao sa loob ng bahay hanggang sa nahuli. Grabe stress na inaabot ko. Hayyyy. Sa mga ganitong oras ko hinahanap-hanap si daddy.”

Ayon sa nilabas na balita ng Barangay Longos, ang kapatid ng aktres cum politiko ang nakahuli sa magnanakaw, si Stephen Ramos, edad 19 na taga-Barangay Bagumbayan Navotas City.

Napapatanong naman ang netizens, “marami bang galit kay Angelika? May kalaban ba siya.sa pulitika?”

Kamakailan lang ay may threat na natanggap ang.aktres-pulitiko. May nagpadala sa kanyang apat.na bala ng baril. Meaning may nagbabanta sa kanyang buhay.
Ngayon hindi lang siya ang pinupuntirya kundi maging ang kanyang pamilya.

Sa ganang amin, siguro.dapat nang lumipat sila.Angelika sa kanilang tinitirhan para makIwas.na sa gulo hangga’t maaga.

62

Related posts

Leave a Comment