CRISTINE REYES, KINARIR ANG PAGIGING IMPERSONATOR NI SEN. IMEE MARCOS

KARIR kung karir ang drama ni Cristine Reyes nang tanggapin niya ang alok na lumabas bilang batang Sen.Imee Marcos sa biopic movie na “Maid In Malacañang” na kung saan ang istorya ay halaw sa last 72 hours of the Marcoses in the Palace before they were forced to leave the country going to Hawaii. Inamin ni Cristine na sadyang nalagay siya sa isang sitwasyon na tila na-pressure siyang gawin para na rin sa kanyang karakter.

“Ang bigat ng bitbit ko at nu’ng binasa ko ‘yung script talagang minamadali ko ‘yung handler ko, ‘please, please ibigay n’yo na ang script sa akin kasi hindi biro ‘tong gagawin ko, eh,” say ni Cristine.

Bilang isang propesyunal nais ni Cristine lumabas na makatotohanan ang kanyang role kaya pinag-aralan niya ang kilos at facial expression ng aura ni Sen. Imee
“Gusto ko talagang ma-settle na ito at nu’ng na-meet ko si Senator Imee Marcos talagang tahimik lang ako at pinagmamasdan ko siya,  bawat kilos niya, bawat salita niya paano ba siya ‘yung rolling ‘yung ng eyes niya, ay meron din pala siyang ganu’n okay gagawin ko ‘yun,” kwento pa ng ni aktres.

85

Related posts

Leave a Comment