TINATAYANG mayorya o 65 porsiyento ng mga Pilipino ang apektado o naramdaman ang pagbabago sa kani-kanilang mga lugar dahil sa klima ngayong taon.
Ito ang lumabas sa resulta ng Pulse Asia Research survey.
Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adult respondents mula Setyembre 10 hanggang 14 sa pamamagitan ng in-person interviews, na may ± 2.8% error margin sa 95% confidence level.
Ayon sa Pulse Asia, 65% ng respondents ang nagpahayag na nakaranas sila ng malaking pagbabago sa klima sa kani-kanilang lugar sa nakalipas na tatlong taon, habang 24% naman ang nagpahayag na ‘undecided’ at 11% ang nagsabi ng ‘small change’ lamang.
Nakita naman sa Visayas ang pinakamataas na pagbabago sa kanilang klima, mula 65% noong Hunyo 2022 ay naging 81% ngayong taon, sinundan ng Kalakhang Maynila na mula 66% ay naging 75% at Mindanao, mula 55 ay naging 65%.
Sa kabilang dako, sa Balance Luzon, bumaba ng 11% mula sa 66% ay naging 55%, ang porsyento ng undecided respondents ay tumaas ng 14% dahil mula 24% ay naging 38%.
Samantala, mayorya naman ng mga Pilipino ang nagpahayag na mayroon silang maliit hanggang sapat na kaalaman ukol sa climate change.
*-ay 40% ng respondents ang nagpahayag na mayroong “not wide but sufficient knowledge” ng climate change sa buong bansa habang 40% naman ang nagsabi na mayroon silang “little knowledge.”
Mayroon namang 11% ng mga respondents ang nagsabi na mayroon silang malawak na kaalaman sa environmental crisis habang 5% naman ang nagsabi na mayroon silang ” almost no knowledge if none at all.”
(CHRISTIAN DALE)
694