INAMIN ng Malakanyang na hindi pa rin sapat ang suplay ng bakuna para makamit ang equal distribution sa buong bansa.
Sinabi ni Sec. Roque, hindi lang iilang lugar ng Pilipinas ang nakararanas ng kakapusan ng vaccine kundi buong Pilipinas.
Aniya, wala pa sa 20 milyong doses ng bakuna ang nakarating sa bansa at wala naman umanong magagawa dito dahil hindi naman nagma-manufacture ang Pilipinas ng bakuna.
Sa kabila nito ay pilit na nagagawan aniya ng paraan ng pamahalaan ang problema.
Samantala, hinihingi ng Malakanyang ang pang-unawa ng publiko at ng mga nasa LGU na humihingi ng suplay para sa kanilang constituents. (CHRISTIAN DALE)
150 