GOBYERNO BUKAS SA MIX-AND-MATCH NG BAKUNA

KUMBINSIDO ang Malakanyang na magandang estratehiya ang mix and matching ng magkakaibang brand ng bakuna.

Sinabi ni treatment czar DOH Undersecretary Leopoldo Vega na hindi lamang mas magandang kalidad na anti-bodies ang nalilikha ng mix-and-match.

Kaya may nakikitang bentahe ang gobyerno sa ginagawang pagsasaliksik ng mga eksperto tungkol dito.

Aniya, may potensiyal din ang mix and match para makatulong lalo na sa mga bansang hanggang ngayo’y may limitado pa ring suplay ng COVID-19 vaccine.

Isang anyo, ani Vega ng flexibility ang mix and match upang mas marami o mayorya ng populasyon ang mabakunahan.

Sa ngayon, ayon sa treatment czar ay nakadepende ang bansa sa clinical trials na isinasagawa ng ibang mga bansa hinggil sa kumbinasyon ng mga bakuna. (CHRISTIAN DALE)

194

Related posts

Leave a Comment