ERWIN TULFO, NANGUNA PA RIN SA BAGONG SURVEY NA KINOMISYON NG ABS-CBN

HINDI natinag sa pagiging numero uno sa Senado sa pinaka-latest na survey si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, ayon sa WR Numero Research, ang opisyal na research partner ng ABS-CBN para sa Halalan 2025.

Mistulang solido at matatag ang suporta ng taumbayan kay Tulfo bilang kandidato sa pagka-Senador.

Sa kabila ng samu’t saring isyung pulitikal na lumutang sa panahon ng survey na isinagawa mula Marso 31 hanggang Abril 7, nanatili pa ring nangunguna at namamayagpag ang mambabatas bilang top preference ng mga Pilipino para sa darating na Senatorial Elections ngayong Mayo.

Sa naturang survey, nangunguna si Tulfo sa lahat ng kandidato, kung saan 43.4% ng respondents ang nagsabing siya ang kanilang iboboto. Sinundan siya nina Christopher “Bong” Go (41.9%), Ronald “Bato” Dela Rosa (38.7%), Pia Cayetano (34.7%), at Lito Lapid (34.1%). Pasok din sa tinaguriang winning circle sina Ben Tulfo (32.1%), Panfilo “Ping” Lacson (31.9%), Abby Binay (31.8%), Tito Sotto (29.8%), Bong Revilla (27.4%), Camille Villar (26.7%), Bam Aquino (26.4%), at Francis “Kiko” Pangilinan (25.2%).

Isang buwan bago ang halalan, hindi lang sa WR Numero Research Survey namayagpag ang pangalan ni Erwin Tulfo—nanguna rin siya sa pinakahuling survey ng OCTA Research Firm, kung saan naabot niya ang Rank 1-2 spot, patunay ng malawak at matibay na tiwala ng publiko sa kanyang liderato.

Ang pinakabagong WR Numero Survey ay isinagawa sa 1,894 na respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na nagbibigay ng mas malalim at makabuluhang pananaw sa pulso ng bayan para sa Halalan 2025.

34

Related posts

Leave a Comment