FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST, TOP 3 SA PINAKAHULING SURVEY

PATULOY na umaangat ang FPJ Panday Bayanihan Party-list nang pumangatlo ito batay pinakahuling survey na isinagawa WR Numero Research nitong March 31 – April 7.

Lumilitaw sa survey ang pagkopo ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ng 4.7% sumunod ang Tingog party-list na 4.5%. Parehong may tiyak na dalawang puwesto sila sa Kongreso sakaling ginanap ang halalan sa saklaw na petsa ng survey.

Ang kasunod nilang walong party-list, ay maaaring makakuha ng tig-isang pwesto sa Kamara na may 2% mula sa mga nilalayong boto, ipinakikita sa survey.

Sinabi ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party-list na patuloy silang magsisikap sa pangangampanya sa gitna ng mataas na survey ratings.

“Ang patuloy na pagpapalakas ng partido ay bunga ng mithiin na paglingkuran ang sambayanang Pilipino at pagtitiwala sa aming adbokasiya na Food, Progress at Justice para sa lahat,” dagdag niya.

Kasama ni Poe sa FPJ Panday Bayanihan party-list sina Mark Patron at Hiyas Dolor bilang pangalawa at pangatlong nominado nito, ayon sa pagkakasunod.

Pinapalagay ng tagasuri, ang pagkakaroon ng mataas sa survey rating ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ay repleksyon din sa aktwal na pagdagsa ng mga tagasuporta sa mga isinagawa nitong motorcade campaign sa iba’t ibang pangunahing lungsod at lalawigan.

Kasabay nito ang malalaking bilang na dumadalo sa grand rally na isinagawa nila sa Pangasinan, Oriental Mindoro, Batangas at Camarines Norte.

Tumatagos din ang adbokasiya ng FPJ Panday Bayanihan Party-list mula sa direktang konsultasyon nito sa mga batayang sektor gaya ng kabataan, kababaihan, maralita, mangingisda at manggagawa.

Magkatuwang nilang binuo ang paglikha ng bawat pangunahing kahilingan ng sektor at sa kabuuan ang People’s agenda na kapwa nilang ihahain sa Kamara.

35

Related posts

Leave a Comment