INIHAYAG ni Senador Joel Villanueva na naghain siya ng isang panukalang batas upang bigyan ng hazard pay ang lahat ng essential workers sa pribado at pampubliko sa harap ng panganib na kanilang kinakaharap sa panahon ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) kung saan mataas ang transmission rate ng virus.
Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na makikita ang kalagayan ng sanitation workers tulad ng street sweepers at garbage collector na “most vulnerable” pero may maliliit na sahod at kakaunti o bahagya nang mabigyan ng proteksyon ngunit patuloy sa kanilang pagtatrabaho.
“Titingnan po ng ating kumite ang mga suliranin ng mga frontline personnel tulad ng mga sanitation workers, na nag-ambag ng malaking tulong sa ating laban sa pandemya.
Ang mga sanitation workers tulad ng street sweepers at garbage collectors ang ilan sa pinaka-apektado ng mga isyu ng mababang sahod at iba pa,” ayon kay Villanueva, chair ng Senate labor committee.
“We will look into this issue as we are set to hear these measures that intends to grant hazard pay for workers in critical industries. We will tackle all the finer points of the bill in the committee hearing so we can strike a balance among stakeholders,” dagdag ng mambabatas na tumutukoy sa Senate Bill No. 1453.
Sinabi ni Villanueva na layunin ng panukalang kanyang inihain noong Mayo na bigyang ng hazard pay ang manggagawa na nagbibigay ng essential services sa kritikal na industriya sa pribagong sektor.
Naghain naman ng hiwalay na Senate bill No. 1455 ang senador upang sakupin ang public sector na naibigay na sa Senate civil service committee.
Sa kabilang dako, magbibigay rin ng hazard pay ang SBN 1455 o ang Hazard Pay for Government Employees Act, sa mga government worker na aabot sa 25% kung naitalaga sila bilang frontline personnel sa panahlon ng state of calamity o emergency o sa panahon ng public health emergency. (ESTONG REYES)
