ESTUDYANTE UMAKYAT SA TUKTOK NG GUSALI SAKA TUMALON SUICIDE SA MALABON CITY HALL

BASAG ang bungo at walang buhay nang bumagsak sa semento ang isang isang binatilyong estudyante matapos tumalon sa pinakatuktok ng gusali ng Malabon City hall kamakalawa ng hapon.

Bukod sa pagkabasag ng bungo, durog-durog din ang mga buto sa katawan ng senior high school student na si Jefferson Dela Torre, ng Ninoy Aquino National High School sa Barangay Longos, matapos tumalon at bumagsak sa kalsada ng F. Sevilla St., Barangay San Agustin dakong alas-2:16 .

Sinabi ni Malabon City Police Station Chief P/Col. Jessie Tamayao, unang namataan ng mga tao sa labas ng city hall si Dela Torre  na nakatayo sa pinakatuktok ng 12-palapag na gusali bandang alas-2.

Nakasuot ng uniporme ng kanilang paaralan ang binatilyo  nang  bigla itong tumalon mula sa tuktok ng gusali kung saan nakuhanan pa ito ng larawan at video ng ilang nakasaksi.

Pagbagsak sa semento ay kaagad na nangisay ang binatilyo bago binawian ng buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente at inaalam ang dahilan sa pagpapatiwakal ng binatilyo. Francis Soriano

 

 

508

Related posts

Leave a Comment