(NI ROSE PULGAR)
Sa susunod na linggo araw ng Martes (Disyembre 10) ay may nakaambang na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Batay sa abiso ng kumpanyang Petron Corporation posibleng bumaba sa P0.30 kada litro sa gasolina, P0.10 diesel at P0.30.kada litro naman sa kerosene.
Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na nasa P0.30 kada litro sa gasoline; P0.65 sa diesel atbP0.50 naman kada litro sa kerosene.
Ang nakaambang na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.
295