BROWNOUT LABAG SA BATAS – CONSUMER GROUP

brownout121

(NI MAC CABREROS)

PAGLABAG sa batas at dapat managot ang kinauukulang sangkot sa pagkakaroon ng brownout, inihayag nitong Martesni Pete Ilagan, pangulo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (Nasecore).

“Itong pong power outages o  brownout ay labag sa batas,” pahayag Ilagan.
Aniya, mandato ng mga kinauukulan gaya ng Department of Energy at
Energy Regulatory Commission, na tiyaking may sapat na supply ng
kuryente.

“Ang brownout po ay walang puwang sa isang industriyang inirereporma ng
batas,” diin ni Ilagan. “Kaya, dapat managot ang government regulators na siyang tumitingin sa pagpapatupad ng batas,” dugtong nito.

Naiulat na sisilipin ng Senado ang posibilidad na may sabwatan ang mga power industry players para magkaroon ng artificial shortage na siyang dahilan ng brownout.

Ilang beses na inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow at red alert ang supply ng kuryente sa Luzon grid.

Kasabay nito, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na wala silang kontrol sa pagkakaroon ng brownout sanhi ng pagnipis ng supply.

Ipinaliwanag ng Merlaco na isa silang distribution utility at anumang supply ang papasok sa kanila ang siyang ibabahagi sa mga konsumer.

Idinagdag ng pinakamalaking distribution utility sa bansa na sadyang hindi maiiwasan ang
brownout dahil sumasailalim sa maintenance works ang kanilang pasilidad gaya ng linya, poste at substation.

Napag-alaman ng Saksi Ngayon na ang kuryente ay tulad din sa ibang produkto na nakabatay sa supply and demand.

120

Related posts

Leave a Comment