HENRY SY, SR. YUMAO NA

henry sy

NAMATAY na ang retail tycoon Henry Sy, Sr, ayon sa report, Sabado ng umaga.

“With deep sadness, I would like to inform the group that our beloved Chairman Tatang, Mr. Henry Sy Sr, passed away peacefully in his sleep early Saturday morning. Please pray for the eternal repose of his soul,” sabi ni Steven Tan, SM Supermalls COO, sa inilabas na statement.

Ang 94-anyos na founder ng SM group ay nasa listahan ng Forbes bilang isa sa pinakamayayamang tao sa bansa na may net worth sa tinatayang $19 billion.

Bago mamatay si Sy, Sr, itinatalaga niya ang matagal nang kaibigan na si Jose Sio, bilang chair ng SM Investments habang ang panganay na anak na si Teresita Sy-Coson at anak na si Henry Sy, Jr., ay mananatiling co-vice chair sa SM Investments kung saan executive director si Harley Sy.

5

Related posts

Leave a Comment