FINAL WEIGH-IN: PACMAN, BRONER PASOK

PAC1

PASOK sa welterweight division na 147-lb limit sina WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na may timbang na 146 lbs at ang American challenger na si Adrien Broner na may 146.5.

Hawak ni Pacquiao ang championship belt na kanyang idedepensa sa laban bukas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Kapansin-pansin sa Final Weigh-in na marami ang tagahanga ng fighting senator at tiwalang kaya nitong talunin si Broner sa laban via knock-out.

Tumanggi naman si Pacman na kumpirmahin kung magkakasagupa niya si Floyd Mayweather Jr ngayong taon.

Ayon sa kanya,  ang laban niya kay Broner ang pinagtutuunan niya ngayon ng pansin.

5

Related posts

Leave a Comment