2 PANGALAN PINAGPIPILIAN NI MARIAN, DONG

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

DALAWA na ang mga pangalang pinagpipilian nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa ikalawa nilang anak na ipapanganak ngayong summer.

“Pero tinitimbang pa at humihingi pa si Dong kay Lord ng sign kung ano sa dalawa na yun.

“Pero ako, okay na ako. Ano man sa dalawa na yun, okay ako.”

Baby boy ang magiging kapatid ni Zia Dantes na panganay nina Marian at Dingdong.

Mas malikot raw ang ipinagbubuntis ngayon ni Marian.

“Minsan sobra, na parang, ‘Anak…’ Inuusog ko na siya.

“Sabi ko nga kay Dong, ‘Dad, nasa tiyan pa lang siya, times two na siya ni Zia. What more kung lumabas pa siya?’

“Naku, baka yung buhok ko laging magulo na.

“Pero okay lang. Sabi ko nga, priceless naman. Lalaki at lalaki din sila, at matatapos naman ang pagiging bata nila.

“So alam mo yun, yun ang mahalaga sa akin, at ito yung talagang pangarap ko, ang magkaroon ng maraming anak.

“Kasi, di ba, solong anak ako.”

Nagpa-4D ultrasound scan na si Marian kaya nakita na nila ng mas malinaw ang itsura ng kanilang baby boy.

“E di siyempre, outcast ulit ako. Sila-sila na lang magkakamukha.

“Si Zia nung lumaki, naging ako, pero nung maliit siya, kamukha siya ng tatay niya.

“Ito ngayon, si baby boy, nung pino-4D namin siya, naku, kamukha talaga ni Dong!

“Yung panga pa lang, sabi ko talaga, ‘Ay, kayo na naman? Kayu-kayo na lang magkamukha?'”

“Mahiyain” raw ang ipinagbubuntis ni Marian.

Si Zia raw kasi nung inu-ultrasound habang nasa tiyan niya ay marunong na agad mag-pose!

“Ito, nagtatago sa ultrasound! Tapos kinakausap namin, sabi ko, ‘Anak, magpakita ka naman!’

“Isa lang ginawa niya.”

Humarap daw ang bata ng isang beses pagkatapos ay nagtago na ulit.

“Sabi ko pilyo din! Kanino pa ba magmamana? Ako na yun,” at tumawa si Marian.

Sina Marian at Zia ang latest celebrity endorsers ng gatas na Nido 3+ ng Nestle.

 

-0-

 

Magbibida si Janine Gutierrez sa upcoming GMA series na Dragon Lady. “I’m so grateful kasi nung Victor Magtanggol ang hinihingi sa akin ng mga Kapuso ay sana mas palaban, mas independent. So ngayon, ito na talaga ‘yung pinagdarasal ko na kuwento.

“I’m so grateful to GMA for trusting me and putting me on a show with Tom.  Na a story na mag-e-enjoy lahat kasi there is something for everyone naman.  There’s fantasy, there’s drama, love story, mag-ina, lahat na!”

Ano ang mga aabangan sa Dragon Lady?

“Si Dragon Lady kasi may pagka-superhero.  Meron siyang kakaibang abilities. First time ko talaga gumawa ng role na… may powers siya.  At bukod dun may prosthetics na talagang mag-iiba ‘yung anyo niya.

“And first time ko gumawa ng full prosthetics na dalawang oras, tatlong oras ‘yung preparasyon para makuha nang maganda.  Pero when you see the final result, talagang ang pulido, ang galing!

“And first time ko aarte na may kakaiba akong anyo. So ‘yun dapat ang abangan.”

Ayon pa kay Janine ay natakot siya…

“When I was told na may prosthetics. Fear ko yun, eh.

“Mahirap kasi na naka-prosthetics ka while taping … hindi ko pa na-experience ‘yung reaksyon ng balat ko. Hindi ko alam kung magagalaw ko pa ‘yung mukha ko.

“Pero when we did the prosthetics test sobrang namangha ako! Kapag nakasalpak na, hindi mo na pala siya gaanong mararamdaman.

“And… ano kasi, si Rayver kasi worked with the same prosthetics team.  “He worked with them in Bagani.  So mas medyo nakampante ako.”

Kuwento raw sa kanya ni Rayver Cruz…

“Sabi niya ‘Ah, mababait ‘yang mga ‘yan… magagaling ‘yan!’

“And when I saw it myself talaga… ang galing! Ang galing ng pagkagawa nila at ang babait nila,” sinabi pa ni Janine.

8

Related posts

Leave a Comment