OIL PRICE HIKE NAKAAMBA

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MAY nakaamba na naman sa pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo (Enero7).

Sa abiso ng ilang mga kumpanya ng langis sa bansa, posibleng tumaas ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro sa diesel, sa kerosene naman ay nasa P0.30 hanggang P0.40 din kada presyo habang sa presyo ng gasoline, posibleng walang paggalaw sa P0.10 kada litro.

Base naman sa abiso ng Department of Energy (DOE), wala pang oil company ang nag-abiso na nagpatupad na sila ng dagdag-presyo dahil sa panibagong bugso ng fuel excise tax sa 2020.

Sinabi ng DOE, obligado ang mga gasolinahan na magpaskil ng karatula kung ipapatong na nila ang mas mataas na excise tax sa diesel, gasolina, gaas, at liquefied petroleum gas (lpg).

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

452

Related posts

Leave a Comment