(NI MAC CABRERO)
NANANATILING mabango ang merkado ng Pilipinas para magpasok at magtayo ng negosyo, iniulat ng World Bank.
Base sa ‘Doing Business 2020’ report ng World Bank, umangat din sa ika-95 puwesto mula sa ika-124 ang Pilipinas sa talaan ng mga developing countries bilang pinakamagandang lugar na pagtatayuan ng negosyo.
Ayon sa ulat, lalong pinalawak ng Pilipinas ang bukas na pinto para sa mga mangangalakal o investors nang alisin ang minimum capital requirement para sa domestic companies at pagluwag sa prosesosa pagkuha ng construction permit at occupancy certificate.
“The Philippines strengthened minority investor protections by requiring greater disclosure of transactions with interested parties and enhancing director liability for transactions ,” dagdag ng World Bank.
Inihayag naman ni Rita Ramalho, senior manager ng Global Indicators Group ng World Bank na patuloy na umaarangkada ang pagnenegosyo sa East Asia at Pacific region lalo ang mga nagpapatupad
ng mga reporma sa patakaran sa pangangalakal.
“Compared to its peers in the East Asia Pacific, the Philippines ranked below Singapore (2nd), Hong Kong (3rd), Malaysia (12th), Taiwan (15th), Thailand (21st), China (31st), Brunei (66th), Vietnam (70th), Indonesia (73rd) and Mongolia (81st),” ulat World Bank.
Nasungkit muli ng China ang ikalawang sunod na taon na mapasama sa top 10 economies na nagpabango sa negosyo.
“Economies with the most notable improvement in Doing Business 2020 are Saudi Arabia, Jordan, Togo, Bahrain, Tajikistan, Pakistan, Kuwait, China, India and Nigeria,” dagdag World Bank.
Sa 115 ekonomiya sa buong mundo, una naman ang New Zealand bilang most business-friendly country, ayon pa sa international lender.
407