SINGIL SA KURYENTE TATAAS

meralco12

(NI MAC CABREROS)

TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw.

Ito ay dahil sa nakaambang  pagtaas ng singil sa kuryente.

Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market
dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta.

Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates.

Nauna nang ginalaw ng Manila Electric Company ang kanilang rate nitong
Abril sa  P0.0633 kada kilowatt hour na dagdag sa monthly bill mula P10.4961 kada kilowatthour noong Pebrero.

Nakapagdulot ng paggalaw sa generation charge ang pagtaas ng presyo sa
Wholesale Electricity Spot Market at paghina ng piso sa palitan kumpara dolyar, banggit Meralco.

“From P5.5973 per kWh last month, generation charge for April slightly
went up to P5.6322 per kWh, an increase of P0.0349 per kWh,” pahayag
power distributor.

Nagpabigat sa kabuuang electricity rate ang transmission charge at bayarin gaya ng buwis, ayon pa Meralco.
Nabatid na nasa yellow alert pa rin ang Luzon Grid.

Kasabay nito, pinayuhan Mr. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang publiko ng gumawa ng karampatang hakbang upang mapaliit ang konsumo ng kuryente ngayong summer.

Kabilang sa mga tips ang paggamit ng low consuming na bombilya at appliances at i-off kapag hindi gagamitin; paggamit ng power board o strip para sa isahang pagbukas at pag-off sa mga electrical devices at appliances.

Nauna nang naiulat na tiyak bibigat ang pasaning krus ng kababayan sa susunod na mga araw dahil nakaumang ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa nakalap na impormasyon ng Saksi Ngayon, maglalaro sa 70 sentimos hanggang  85 sentimos kada litro ang itataas sa diesel at gasolina.

Sa taya ng Department of Energy nasa P41.94 hanggang P46.25 ang kada litro ng diesel habang ang gasolina ay P53 hanggang P59.96.

Madalas ginagalaw ng mga oil companies ang presyo ng kanilang panindang produktong petrolyo kada Martes ng bawat linggo.

May dahilan din na hihingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa ngayong Labor Day (Mayo 1) dahil inaasahan ding bibigat ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.

Tinaya ng oil industry players na  madaragdagan ng P.50 sentimos hanggang P1 ang kada kilo o P5.50 hanggang P11 ang kada tangke ng LPG.

Bunsod ito ng pagmahal sa contract price sa World market bunga ng pagsadsad ng piso sa palitan sa dolyar na nasa P52.0536 kada $1 nitong Abril 27.

 

257

Related posts

Leave a Comment