HOPE ni GUILLER VALENCIA
“IN everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you,” 1 Thessalonians 5:18 (KJV).
Ang text natin ngayong araw ay tungkol sa pasasalamat. Isa sa mga hinahangaan ko kay Apostol Pablo ay ang kanyang pahayag at pangaral na, “In everything give thanks…” Alam natin na si Apostol Pablo ay isang edukado at mataas ang tungkulin sa gobyerno ng Romano at namumuhay nang marangya at iginagalang bago niya makatagpo ang Panginoon JesuCristo sa daan ng Damasco.
Mula noon, siya ay naging tagasunod at masugid na tagapangaral ng Mabuting Balita ng Panginoon Jesus. Nawala sa kanya ang karangalan at kasaganaan dahil sa pangangaral ng Mabuting Balita. Kung dati siya’y taga-usig ng mga mananampalataya kay Kristo, ngayon siya naman ang inuusig ng mga Romano.
Bukod pa roon ay nakaranas siya ng iba’t ibang pagsubok at kahirapan; tulad ng paglubog ng barkong kanyang sinasakyan, pagkagat sa kanya ng ulupong, hinagupit ng mga sundalong Romano, at pagkabilanggo. Sa kabila ng ganitong karanasan, nagawa pa rin niyang ipangaral na, “In everything give thanks…”
Ganito rin ang naging saloobin ni Haring David na laging nagpapasalamat sa dakilang Diyos. Sinasabi sa Psalms 35:18, “I will give thee thanks in the great congregation: I will praise thee among much people.”
Samantala, si Haring Hezekiah ay nag-appoint ng mga priest at Levites para sa gawaing maghandog ng burnt offerings para sa kapayapaan, to minister and to give thanks, and to praise in the gates of the tents of the Lord, (2 Chronicles 31:2).
How about us? Naging gawi ba nating magpasalamat sa tuwi-tuwina? Maybe, sa panahon lang kung tayo’y may tinatanggap na biyaya. Subalit, kung pakikinggan natin si Apostol Pablo, sinasabi niyang sa anomang kalagayan ay magpasalamat. “In everything give thanks…” and “Rejoice in the Lord, ye righteous; and give thanks at the remembrance of his holiness,” Psalms 97:12 (KJV). (giv777@myyahoo.com)
10 