GOV. TAN: LIVELIHOOD, MEDICAL AT EDUKASYON SAGOT SA PROBLEMA SA BARMM

“SIMPLE lang naman ang kahilingan ng mga taga-BARMM…pangkabuhayan, medikal, at edukasyon ng mga bata para tuluyan nang umusad ang buhay ng mga tao dito”.

Ito ang sinabi ni Sulu Gov. Abdusakur Tan sa isang panayam sa isang local radio sa Mindanao.

Ayon kay Gov. Tan, “siyempre, pag may trabaho o pinagkakakitaan ang isang tao, busy na ito sa kanyang pamilya at hindi na nakakapag-isip ng kung ano-ano pa”.

“Tapos samahan mo pa ng mga libreng gamutan o hospitalization, nababawasan ang problema ng pamilya,” dagdag ng gobernador na nagpahayag na tatakbo sa susunod na Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) election.

Aniya, “pag nasa eskwelahan ang mga kabataan, malayo na rin sa isipan nila ang magrebelde o makibaka sa pamahalaan dahil may mga pangarap na sila na kaya nang abutin through education”.

Lahat daw ng mga ito tulad ng pangkabuhayan, free medical, at mga scholarship program ay kakayanin namang ibigay dahil may pondo ang BARMM na tinatayang aabot sa higit P100 bilyon kada taon.

Hirit pa ni Tan, kukunin na rin sa pondo ng BARMM ang “decommissioning” ng mga armas ng mga rebelde para may magamit sila sa pagbabagong buhay.

“Napabayaan lang kasi itong lugar namin for a while kaya nagrebelde ang ilan sa mga kababayan namin,” paliwanag ni Tan.

Dagdag pa niya, “pero with all the help from the national government now, sino pa ba ang mag-iisip ng kaguluhan? We also want peace”.

119

Related posts

Leave a Comment