(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
KINUWESTYON ng isang abogado ang tila pananahimik ng Kongreso sa mga akusasyon kaugnay sa paggamit ng droga ng Pangulo.
Nagtataka si Epanaw Sambayanan, National Coordinator Atty. Marlon Bosantog kung bakit ang mga mambabatas sa Senado at Kamara ay hindi nag-iimbestiga gayung mayroon silang kapangyarihan na ipa-subpoena ang mga taong nagsalita o nag-aakusa na gumamit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng cocaine.
“Simple lang naman sa young guns ngayon sa Congress, you have the power of subpoena na tinatawag to compel witnesses to attend your hearing to bring documents,” ani Bosantog patungkol sa grupo ng mga batang mambabatas sa Kamara.
“Why not ipa-subpoena mo si Cathy Binag, si Nikki Coseteng, si former President (Rodrigo Duterte), si (Ex-PDEA agent Jonathan) Morales and all these people who have personal knowledge regarding utility and usage of the president of cocaine?”
“Bakit hindi ninyo gawin ‘yon because this is a matter of public issue?” ani Bosantog.
Kamakailan, inilabas ng vlogger na si Maharlika ang video ng isang lalaki na kamukha ni PBBM na gumagamit ng white powdery substance.
Sa kabila nito, walang kumikilos sa Kamara para alamin ang katotohanan sa nasabing akusasyon.
Noong panahon ng kampanya sa 2022 elections, kapwa inakusahan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating senador Nikki Coseteng na gumamit ng droga si Marcos Jr.
Para naman sa dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Dr. Lorraine Badoy, malinaw na ang pananahimik ni Pang. Marcos ay patunay na totoo at hindi deepfake o gawa-gawa ang mga isyu na ibinabato laban sa kanya.
“Almost these hullabaloo about this cocaine video, if you are real president, you would go out there and stop all of it by having the drug test.”
123