HEALTH SECRETARY HERBOSA, KINASTIGO SA HINDI UPDATED NA CASE RATES NG PHILHEALTH

NAGING mainit ang interpelasyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa panukalang budget ng Department of Health.

Ito ay nang kastiguhin ni Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa anya’y hindi updated at hindi makatwirang case rates ng Philhealth.

Sa deliberasyon, pinuna ng senador ang palaging anunsyo ng DOH kaugnay sa zero balance billing subalit hindi naman totoo dahil may mga binabayaran pa rin ang mga pasyente.

Idinagdag pa ni Cayetano na pitong taon nang hindi updated ang case rates ng Philhealth o ang sinasaklaw na bayarin ng Philhealth sa mga pasyente depende sa sakit nito.

Ipinaliwanag ni Herbosa na ang zero balance billing ay para sa mga indigent patient na nasa basic accommodation o charity ward subalit kapag nasa pay ward o private ward ay mayroong babayaran.

Binigyang-diin din ni Herbosa na matatapos na sa kalagitnaan ng 2026 ang survey sa lima hanggang anim na milyong claims upang makuha ang average hospital costs na kailangan sa updating ng case rates.

Ikinagalit ito ni Cayetano dahil hospital costing lamang ang kailangang isurvey subalit mahabang panahon ang ginugugol.

Hinamon niya si Herbosa na magbitiw kapag nagawa niya sa loob ng isang linggo ang survey na kinasahan naman ng kalihim.

(Dang Samson-Garcia)

5

Related posts

Leave a Comment