SAN LAZARO RESIDENCES PINASINAYAAN SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ang inagurasyon ng San Lazaro Residences sa Sta. Cruz, Manila, isang proyekto na nagbibigay pabahay sa mahihirap at mga government employees na Salary Grade 18 pababa.

Pinuri ng Pangulo ang inisyatiba ng Lungsod ng Maynila at ang Manila Urban Housing Ordinance na nagtatakda ng pormal na pabahay para sa mga benepisyaryo. “Pagka nakita ng ibang LGU ito, gagayahin nila. Napakagandang modelo ito,” ani Marcos.

Nagbiro rin ang Pangulo kay Mayor Isko Moreno, na itinalagang pinaka-mahusay sa pagpapatakbo ng housing projects sa lungsod, matapos makapagpatayo ng mahigit 200 units sa loob lamang ng tatlong buwan. “Kailangan paturo kami sa inyo paano ginagawa ‘yan. Ikaw na ang in-charge para mabilis,” dagdag ng Pangulo.

Ang San Lazaro Residences ay may 20 palapag, 382 residential units, at 169 parking slots sa Quiricada at Alvarez Streets. Ang Manila Public Health Laboratory ay matatagpuan mula ground hanggang fourth floor, habang ang Lanuza Health Center ay nasa ground hanggang second floor. Ang mga residente ay nakatira mula fifth hanggang twentieth floor kasama na ang roof deck.

Pinipili ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pre-qualification at raffle, at ang Beneficiary Selection, Awards and Arbitration Committee ang namamahala sa appeals at review process.

Kasabay ng inagurasyon, bumisita rin si Pangulo sa Basecommunity at President Corazon C. Aquino General Hospital. Pinuri niya ang kalidad ng ospital at pabiro pang sinabi, “May karapatan naman magyabang dahil napakaganda ng ospital ninyo.”

Namahagi rin ng Charitimba sa 2,500 residente ng Baseco ang Philippine Charity Sweepstakes Office, sa pangunguna ni GM Melquiades Robles, habang school supplies at bag ang ipinamahagi sa mga estudyante ng Sen. Benigno Aquino Jr. Elementary School.

Ani Mayor Isko Moreno-Domagoso, “Ang matibay na koordinasyon ng national at local government ay nagbubunga ng serbisyong tunay na napapakinabangan ng taumbayan.”

(CHRISTIAN DALE/JOCELYN DOMENDEN)

12

Related posts

Leave a Comment