PINAGMULTA ang halos 85 indibidwal habang 3,425 indibidwal ang sinita ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa minimum health protocols sa lalawigan ng Laguna na ngayon ay nasa ilalim ng MECQ.
Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay Calabarzon Regional Director PBgen Eliseo DC Cruz, umabot sa 3,510 ang nahuling pasaway sa operasyon nitong nakaraang Agosto 3.
Ilan sa mga ito ay nasita sa paglabag sa curfew hours simula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, hindi nagsusuot ng face mask, mga nagsagawa ng mass gathering at hindi pagsunod sa physical distancing.
Hinihintay pa ang desisyon ng IATF kung itataas sa mas mahigpit na ECQ ang probinsya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. (CYRILL QUILO)
121 