HIGIT 700 PULIS MINOMONITOR SA ILLEGAL NA AKTIBIDAD

pnp55

(NI AMIHAN SABILLO)

HIGIT sa 700 miyembro ng Philippine National Police ang minomonitor ngayon dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad.

Ibinunyag ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde na kumikilos na ang Integrity Monitoring and Enforcement Group tungkol dito.

Nakipag ugnayan na rin umano sila sa PDEA at tumutugma naman ang intelligence reports na kanilang hawak.
Kasabay nito,  ipinauubaya na umano ni Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubunyag sa pangalan ng ninja cops.

Anuman umano ang gawin ng Pangulo sa listahan na ibinigay ng Senado sa PNP ay irerespeto ng organisasyon.

Inamin naman ni Albayalde na apektado ang morale ng kanilang hanay sa usapin tungkol sa pagre-recycle ng iligal na drogra.

Anya, hindi nya umano itinatanggi na kahit paano ay bumaba ang morale ng PNP dahil nadungisan ang kanilang imahe, nadadamay umano ang mga matitinong pulis sa kontroberya lalo na yung mga masisipag na nagtatrbaho gayong nasa isa hanggang dalawang porsyento lang naman ang mga tiwaling pulis.

Sinabi pa ni Albayalde na bilang tatay ng PNP, nauunawaan nila ang sitwasyon at parte ito ng kanilang trabaho kaya’t naman pinayuhan nito ang kanyang mga tauhan na magpagkatatag at magpatuloy lang sa pagtatrabaho.

395

Related posts

Leave a Comment