DRAGON BOAT TRAGEDY: ATLETA ‘DI MARUNONG LUMANGOY, WALANG LIFE VEST

( NI ABBY MENDOZA)

KINONDENA ni Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep Jericho Nograles ang malinaw na kapabayaan sa panig ng management ng Boracay Dragon Force Team (BDFT) na nagresulta sa pagkamatay ng pitong  atleta matapos lumubog ang bangka sa gitna ng training.

Tinukoy ni Nograles na ang dalawang mahalagang pagkukulang ng management ay pagkuha ng atleta na hindi marunong  lumangoy at nasa gitna ng training subalit walang suot na safety equipment partikular ang life vests.

“It doesn’t make any sense for a professional dragon boat team like the Boracay Dragon Force (BDF) to be accepting members who doesn’t even know how to swim. The fact that dragon boat athletes were not trained to swim or had no safety devices can constitute negligence”paliwanag ni Nograles.

Sa report ny Local Disaster Risk Reduction and Management ay lumilitaw na isa sa mga atleta na nasawi ay hindi marunong lumangoy at kumpirmadong wala silang suot na mga life vest nang bayuhin ng malalakas na alon at hangin habang nasa gitna ng  training sa Barangay Manoc Manoc, Aklan

Sinabi ni PBA President Mark Sambar na dapat magsilbing wake up call sa Philippine Sports Commission (PSC) ang kinasangkutan aksidente ng BDFT at tiyakin na nasusunud ang  safety protocols mula sa training hanggang sa actual competition.

Malinaw umano na dapat may managot sa insidente dahil malinaw na nagkaroon ng kapabayaan.

Ang mga atleta ay nagtatraining para sa jsang international competition.

 

200

Related posts

Leave a Comment