(NELSON S. BADILLA)
“SIGURADONG” lalahok si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan sa pagkapangulo sa 2022.
Tiniyak ito ng kanyang abogado at tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez na nagsabing si Marcos ay nagsimula nang “maghanda” nitong Enero para sa eleksyong pampangulohan.
Inihayag ni Rodriguez sa CNN Philippines na ang isipan ng kampo ni Marcos ay nakatutok tungo sa halalang 2022 simula pa nitong Enero 1.
Ikinasa na ‘yan bago pa man magpasya si Associate Justice Marvic Leonen na ilabas sa wakas ang kanyang ponente hinggil sa protestang elektoral ni Marcos laban kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo at hilingin sa kapwa niya mga mahistrado na katigan ang kanyang desisyon laban kay Marcos.
Ang pangunahing paglalabanan sa pambansa at panglokal na mga halalan sa 2022 ay ang posisyon sa pagkapangulo ng bansa.
Sa kanyang mga panayam sa iba’t ibang media organizations, hindi binanggit ni Rodriguez na si Marcos ay tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Subalit, ang malinaw ay siguradong lalahok si Marcos sa pambansa at panglokal na mga eleksyon sa 2022, kahit ang Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ay itinapon ang dalawa sa tatlong aksyon/dahilan ng protestang elektoral ng dating senador.
Tinuran ni Rodriguez na ang pagbasura sa protesta ni Marcos ay “not relevant anymore” sa eleksyong presidensiyal.
Ngunit, hindi niya kategorikal na binanggit na sumusuko na si Marcos sa kanyang laban kay Robredo at sa laban niya para sa mamamayang Pilipino na solidong naniniwala sa kanya.
Malinaw na nakasaad sa desisyon ng PET na itinapon nito ang dalawa sa tatlong aksiyon ni Marcos sa buong protesta nito.
Ipinaliwanag ni Rodriguez sa panayam sa isang television program na “when we speak of election protest … in its strictest legal meaning it has .. acquire a legal meaning. Election protest pertains solely to manual recount and judicial revision… Surely, when you dismissed the entire election protest meaning the manual recount and judicial revision. It follows that you have to dismiss the counter protest”.
“[W]e have two pending causes of action before the tribunal. One is the manual recount and judicial revision which is strictly election protest and the other one, the annulment, our third cause of action. The annulment of election results in the three provinces of Mindanao,” pagpapalawig ni Rodriguez.
Idiniin ni Rodriguez na walang balak si Marcos na ibaba ang ikatlong ‘espada’ ng kanyang protestang elektoral dahil “it has been established during the numerous hearings and decisions and deliberations of the court the third cause of action is separate, distinct and can proceed independently from the manual recount and judicial revision”.
Noong Hunyo 2016 pa isinampa ni Marcos sa Korte Suprema ang pinaniniwalaan niyang krimeng ginawa ni Robredo noong halalang 2016 para sa pagkabise-presidente ng bansa.
Napakaliit lamang na boto ang inilamang ni Robredo kay Marcos, nangangahulugang ang beteranong politiko mula sa hilagang bahagi ng bansa ay mayroon pa ring napakalawak na tagahanga.
Ito ay kinumpirma ng unang sarbey sa mga kandidato sa pagkapangulo na isinagawa ng Pulse Asia noong Nobyembre na nagpakitang si Marcos ay ikalawa sa may pinakamataas na nakuhang iskor.
Pumangalawa siya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sa hiwalay na sarbey na ikinasa ng ibang kumpanya noong Disyembre ay ikalawa rin si Marcos sa mga nakakuha ng pinakamaraming boto.
Ang tanging pagkakaiba sa dalawang sarbey ay “very close” sina Marcos at Duterte-Carpio sa isa’t isa.
Nangangahulugan na ang approval rating ni Marcos bilang kandidato sa pagkapangulo ng bansa ay nakakuha ng karagdagang “percentage points” laban kay Carpio-Duterte.
Sina Marcos at Senadora Mary Grace Poe ay patas sa dalawang sarbey.
Inihayag ng kampo ni Poe na ang mambabatas ay hindi tatakbo sa pagkapangulo sa halalang 2022.
Ang ibang mga politiko na sumunod kina Marcos at Poe sa sarbey, ngunit napakalayo sa kanilang dalawa, ay pawang mga kaalyado at tagasuporta ni Pangulong Duterte.
Ang nag-iisang kabilang sa oposisyon ay si Robredo na ikaanim sa sarbey.
Tagapangulo ng Liberal Party (LP) si Robredo.
Matatandaang natalo ang siyam na kandidato ng LP sa pagkasenador noong halalang 2019.
Ipinaliwanag ni Rodriguez upang maging malinaw sa publiko na “regardless of the ultimate outcome of the decision [of the Supreme Court], regardless of the ultimate verdict of the tribunal, we will carry on at haharapin namin nang buong tapang ang kung anomang magiging hatol ng tribunal”.
“[T]he dismissal of the election protest, meaning the manual recount and judicial revision per se strictly, [are] no longer as impactful [compared to the years after Senator Marcos filed his electoral protest in 2016], siguro kung nilabas nila ito two years in to the life of the case. [M]aglilimang taon na tayo sa kasong ito, [ngunit] nasa tatlong pilot provinces pa lamang tayo…. [K]kahit naman sabihin nilang lets give due course to the election protest meaning the manual recount and judicial revision do they honestly believe na maniniwala pa kami na kaya namin pare-parehong tapusin ‘yong manual recount do’n sa natitirang halos 20 probinsya pa e meron na lamang tayong isang taon at apat na buwang natitira? So its no longer impactful it did not produce any mark of impression at all”.
Ipinaliwanag ni Rodriguez ang totoong nilalaman ng ikatlong aksiyon ng protestang elektoral ni Marcos upang huwag maguluhan ang publiko dahil pinalalabas ng ibang reporter na ang “annulment of election results” at “failure of election” sa tatlong lalawigan sa Mindanao ay iisa, samantalang magkaiba ang dalawang konseptong ito, alinsunod na rin sa paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) sa mga posisyon at desisyon nito.
Ayon kay Rodriguez: “Iba ‘yung annulment of election results, hindi tayo (kampo ni Marcos) humihingi ng manual recount or revision do’n. I-set aside, declare null and void ‘yong naging resulta at magiging madali sana ‘yon…dahil meron nang mga naunang findings ang Comelec at ‘yong naging findings ng Comelec ay conclusive”.
“If I may refer to the case of Tan vs Hataman. Kaya lang naging moot and academic ‘yon dahil kumandidato sila pareho nu’ng 2019, but may initial findings na ro’n ang Comelec at conclusive ‘yong findings ng Comelec na ‘yon,” patuloy ni Rodriguez.
“Pangalawa, let me just correct ‘yung accuracy do’n sa reporting ni Mike Navallo [ng DZMM] hindi ho namin (kampo ni Marcos) third cause of action ang annulment of election results. Kahit silipin n’yo ‘yong aming pleading na fi-nile, e second.. originally second cause of action namin ‘yong annulment of election results. Pagkatapos po ng first ‘yong unconstitutionality of the automated election system na dinismis nang agaran ng Korte Suprema, pero nag-survive po ‘yong dalawa,” paglilinaw pa ni Rodriguez.
Aniya: “Ang aming original second cause of action is the annulment of the election results in the three provinces in Mindanao, pangatlo lamang ‘yong manual recount and judicial revision [na] bumaligtad na lamang no’ng naglabas sila ng preliminary conference order. Kaya, kami nagulat din.
Gusto naming malaman ano ‘yong inanunsyong botohan na 7-8, ano ‘yong botohang 8-7 because essentially, three votes ang binanggit ni Atty. [Brian Keith] Hosaka (tagapagsalita ng Korte Suprema) [na] 15-0, yung 7-8 and 8-7. Why are we interested? Because we want to find out ano ‘yong reasoning do’n sa 15-0, 7-8 and 8-7 because it might have a constitutional violation pagka-hindi maayos itong sinasabi n’yang 15-0, 7-8, 8-7”.
Binanggit ito ni Atty. Rodriguez dahil hindi naman kumpleto at detalyado ang paliwanag ni Hosaka sa mga importanteng bahagi at punto ng desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Marcos laban kay Robredo, dahilan upang hindi rin maging eksakto ang opinyon ng mamamayan.
