HOSPITAL PASS FOR SALE SA BUCOR!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Sobra na ang kabalbalan at kalokohan ang pinaggagawa ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kung saan lahat na lang ng maaaring pagkakitaan ay ginagawa ng mga walanghiyang mga tauhan nito.

Sa hearing ng Senado kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng BuCor, natuklasan ng mga mambabatas na hindi lamang pala sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) kumikita ang mga lintik kundi maging sa dalaw ng bisita, pagpasok ng alak, sigarilyo, conjugal visit, konsiyerto, magagarang kubol, pagpapasok ng mga bayarang babae na tinatawag nilang “Tilapia” at “Hospital for sale”.

Kung halimbawa na ikaw ay isang maimpluwensya at mayamang bilanggo ay maaari mong magawa ang mga gusto mong gawin sa loob ng Newl Bilibid Prison (NBP) basta magbayad ka ng malaking halaga ng salapi.

Sina dating Mayor Antonio Sanchez at dating Congressman Romeo Jalosjos ay nakakauwi pa umano ng kanilang bahay na walang nakaaalam. May mga sariling kubol ang naturang mga high profile inmates, maging ang drug lord na sina Peter Co at marami pang iba.

Sinabing umaabot sa P300,000 hanggang P500,000 ang payola o tinatanggap ng isang BuCor Director General kada linggo mula sa mga koleksyon sa mga preso lalo na ang mga mayayaman.

Ayon kay Senador Ping Lacson, sa pagpapasok na lamang ng mga babaeng bayaran o ‘yong tinatawag nilang “Tilapia” ay umaabot sa P30,000 at ang pinakamatindi ay ang “Hospital for sale” na umaabot sa halagang P200,000 hanggang P2M ang bayad kung gustong ma-confine o ma-admit ng isang bilanggo sa ospital.

“There are reports na natanggap namin sa opisina na, nag-range from P200,000 to P2M para ma-confine or ma-admit sa ospital and mayroon pang-board and lodging amounting to P30,000,” pahayag ng senador.

Kaya nais ipatawag ni Lacson ang mga doktor sa hearing ng Senado na mga nangangasiwa sa NBP. “Hindi mang¬yayari iyan kung walang magse-certify na doktor. So, we need to find out kung ano ang flow ng communication once an inmate, a PDL, would request confinement in the NBP hospital,” dagdag pa nito.

“Ang NBP hospital may pangalan ang doctor. I would request the chairman to issue invitations or summons to those doctor na nagmamando sa hospital,” sabi pa ng mambabatas. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

453

Related posts

Leave a Comment