HOUSE AND LOT GIFT NI DU30 SA PMA VALEDICTORIAN

house and lot12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na poproblemahin ng valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 ang pagbili ng sarili niyang bahay at lupa.

Ito ay matapos regaluhan ng  house and lot ni  Pangulong Rodrigo  Duterte si Cadet First Class Dione Mae Umalla na siyang nanguna sa  Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019.

Nabatid na ang titulo ng bahay at lupa ay iniabot mismo ni Duterte sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Bukod sa  regalong bahay at lupa, tumanggap din si Umalla ng Presidential saber at 13 pang awards.

Pangkaraniwan nang  binibigyan ng regalo ng Pangulo ng house and lot ang mga nagtatapos na valedictorian ng PMA at ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Samantala, sa kanyang talumpati, hiniling naman ni Duterte sa mga nagtapos na kadete na magsilbing mabuti at mamatay kung kinakailangan para sa bayan.

Hinimok din ng Pangulo ang mga kadete na maging mapagkumbaba at sumunod sa mga nakatataas sa kanila.

 

472

Related posts

Leave a Comment