HUNYO 24 IDINEKLARANG HOLIDAY SA MAYNILA

IDINEKLARA ng Malakanyang ang Hunyo 24, 2022, araw ng Biyernes bilang special non-working day sa lungsod ng Maynila.

Ito’y kaugnay ng pagdiriwang sa ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ang holiday declaration ay nilagdaan noong Hunyo 22 ni  Executive Secretary Salvador Medialdea, ang kopya ay ipinalabas ng Malakanyang nitong Miyerkoles.

“It is but fitting and proper that the people of the city of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with the appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the government,” ang nakasaad sa Proclamation 1400.

Samantala, ang  Maynila ay  itinatag ni Spanish conquistador Miguel Lopez de Legazpi, ang unang governor-general of Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, noong Hunyo 24, 1571. (CHRISTIAN DALE)

160

Related posts

Leave a Comment