INDUSTRIYA NG PAPUTOK ‘DI KAYANG ISALBA NG LGU

HINDI sapat ang Local Government Unit (LGU) upang isalba ang industriya ng paputok sa bansa.

Ito ang inihayag ni Bulacan Governor Daniel Fernando.

Tugon ito ng gobernador kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kanyang mga press briefing kamakailan, na hindi na nito itutuloy ang nauna niyang planong magpatupad ng total firecracker ban sa bansa ngayong Disyembre.

Ayon sa pangulo, maaari nang magbenta ng paputok subalit sa gobyerno lamang papayagan magbenta at hindi sa pribadong indibidwal.

Ang mga LGU at PNP lang umano ang papayagan makabili at gumamit ng fireworks at bawal sa mga pribadong sektor.

Sa pahayag ni Gob Fernando, sinabi nito na ang direktiba ng pangulo ay kailangang pag-aaralan mabuti ngunit naniniwala siya na hindi ito sapat at hindi makatutulong para makabangon ang mga fireworks manufacturer.

Aniya, higit 30 ang mga manggagawa ng paputok subalit 25 lamang ang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Bulacan kabilang na ang 3 lungsod at 21 munisipyo at Provincial Government.

Hindi umano makakaya ng isang munisipyo na bilhin ang milyon-milyong halaga ng produksyon ng mga magpuputok. (ELOISA SILVERIO)

179

Related posts

Leave a Comment