2 Claimants ng 8 milyong pisong halaga ng Kush Marijuana sa NAIA arestado

Isang joint operations ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, NAIA Inter-Agency Task Group at CAIDTF ang nag­resulta sa pagkakaaresto ng 2 claimants ng air parcel na naglalaman ng 8.2 milyong pisong halaga ng Kush marijuana sa Batangas City kama­kailan.

Kinilala ang dalawang ina­resto na sina Van Joshua Magpantay ay Johnengle Hernandez mula sa Lipa City, Batangas matapos ang isinagawang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga nabanggit na otoridad.

Dumating ang air parcel sa Fedex Pasay City na ipinadala ng isang nagngangalang Nina Manual mula sa California, USA. Idineklara ito bilang musical instruments at naka-consigned sa isa namang Dimitria Escalona.

Subalit ng sumailalim sa X-ray scanning at 100 porsiyentong physical examination ng mga tauhan ng BOC kasama ang mga taga PDEA, ang nabanggit na parcel ay nakitaan ng 2 plastic na naglalaman ng mahigit limang libong gramo ng high-grade ma­rijuana na kilala sa tawag na kush.

Isinailalim na sa kustodiya ng PDEA ng dalawang claimants ng kush marijuana at isinailalim sila sa agarang imbestigasyon dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Kamakailan ay nakasabat din ang BOC, PDEA at NAIA-IADITG ng ‘party drugs’ o ecstacy na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso mula naman sa Central Mail Exchange Center o CMEC.

Ang magkasunod na matagumpay na operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot ay pagpapatunay lang ng suporta at maayos na pagtutulungan ng BOC sa Pangunguna ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero at PDEA Director Gene­ral Wilkins Villanueva.

132

Related posts

Leave a Comment