BOC–CEBU, HANDANG SUMAGUPA VS PIRATA

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nagpahayag ng kahandaang sumagupa laban sa mga piratang dagat ang mga kawani ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Cebu, matapos sumailalim sa matinding pagsasanay sa paggamit ng mga armas at modernong patrol boats na gagamitin sa pagtugis ng mga smuggler.

Partikular na isinalang ng Special Operations Group ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Central Visayas sa buwis-buhay na pagsasanay sa karagatang sakop ng Mandaue (Cebu) ang mga operatiba mula sa hanay ng Water Patrol Division at Customs Police.

“The training equipped the students with knowledge in water patrol operations including proper boarding procedures and navigation protocols in the waters of Central Visayas,” pahayag ni Commodore Inocencio Rosario, Jr. na tumatayong commander of Coast Guard District Central Visayas.

Kinilala naman ni Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza ang mga bantay-dagat sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga operatiba ng distritong kanyang pinamumunuan.

Aniya, lubhang malaki ang ginagampanang papel ng PCG sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga sindikato sa likod ng illegal smuggling activities – hindi lamang sa Cebu kundi sa iba pang panig ng bansa.

Sa mga nakalipas na pa­nahon, karaniwang magkatuwang ang PCG at BOC sa mga pagtugis at operasyon kontra smugglers sa mga karagatan.

Related posts

Leave a Comment