ENTRANCE AUDIT CONFERENCE ISINAGAWA SA BOC

NAGSAGAWA ng Entrance Audit Conference ang Commission on Audit (COA) kasama ang Bureau of Customs (BOC) noong ika-21 ng Setyembre, 2023.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan nina BOC Internal Administration Group Acting Deputy Commissioner Michael Fermin at COA Resident Auditor Atty. Arnel Bacarra.

Sa pagpupulong na ito, tinalakay ng COA ang papara­ting na annual audit sa BOC para sa taong ito.

Pinag-usapan din ng BOC at COA ang mga kritikal na impormasyon at mga update ukol sa mga hakbang na kinakaila­ngang gawin upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan, na naaayon sa mga umiiral na batas.

Matatandaan na ang BOC ay binigyan ng “unqualified ra­ting” o pinakamataas na rating na ibinibigay ng Commission on Audit sa isang ahensya na may pinakamaayos na Internal Controls sa pamamahalang pampinansyal.

Ang BOC ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tinaguriang korap, subalit unti-unting nagbabago dahil sa pagsisikap ng mga opisyal nito laban sa mga empleyado na nasasangkot sa iba’t ibang katiwalian.

(JO CALIM)

330

Related posts

Leave a Comment