ISANG COORDINATION CENTER NG BOC – NAIA, PAIRCARGO AT PDEA, BINUKSAN

0

Isang Coordination Center ang binuksan at pinasinayaan sa pasilidad ng People’s Air Cargo and Warehousing Incorporated (PAIRCARGO) para lalo pang mapalakas ang pagbabantay ng Bureau of Customs sa pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ay batay na rin sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero kung kaya agad na nakipagtulungan ang BOC Port of NAIA sa Paircargo Inc. at Phililpine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“The facility was provided for by the management of Paircargo to support the initiatives of BOC NAIA and the government in protecting the country of any attempts on entry of illegal drugs”, ani Paircargo President Joseph Madrigal.

Ayon naman kay BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, ang coordination center ay makakadagdag upang lalo pang mapalakas ang seguridad ng hangganan lalo na sa importasyon ng ileยญgal na droga.

Ang naturang coordination center na nasa pasilidad ng Paircargo ay tamang-tamang lokasyon dahil doon inilalagak ang mga pangunahin at malalaking importations na dumadaan sa NAIA.

Bukod dito, halos nasa sentro ng bisinidad ng NAIA ang Paircargo na malapit din sa iba pang warehouses na naroon sa lugar.

“This coordination center exemplifies the strengthened coordination of the Bureau of Customs and the Philippine Drug Enforcement Agency with the support of stakeholders in its fight against illegal drugs in the port specifically in NAIA.

This office will be very useful as our operatives can make timely response on anti-illegal drug related activities which include K9 inspection, package profiling, backtracking investigation and apprehension of smuggled illegal drugs”, pahayag ni PDEA Assistant Regional Director Irvin John Coderis.

Ngayong unang apat na buwan ng 2021, umabot na sa 28 drug bust ang nailunsad ng pinagsamang pwersa ng BOC NAIA, PDEA, at NAIA-IADITG.

Ang nasabing inagurasyon ay dinaluhan nina NAIA Inter Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) Deputy Commander IA3 Gerald Javier, Paircargo President Joseph Madrigal, at Paircargo Vice President Michael Narvaez, Paircargo Special Deputy Collectors Raymond Mama-o, Dan Oquias ng PAL PSI, NAIA District Commander Capt. Pedro Gutierrez at Team Leader of CAIDTF-NAIA Richie Beldia.

At sa buong suporta sa repormang inisyatiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang BOC-NAIA ay patuloy sa pagpapalakas ng kanilang pagsisikap sa pagsi-secure ng hangganan kasabay ng kalakalan at pagkolekta ng kita na naaayon sa batas. (Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment