P56-M DROGA NAHARANG SA PORT OF CLARK

NAHARANG ng Bureau of Customs Port of Clark ang isang shipment na napag-alamang may lamang mahigit walong kilo ng umano’y shabu na tinatayang P56 milyon ang street value.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng customs, nakatanggap ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahilan kaya sumailalim sa mahigpit na proseso ang shipment kabilang ang pagpapadaan dito sa x-ray at K9 units.

Dahil pawang positibo ang resulta sa K9 at X-ray, nagsagawa ng physical inspection ang mga awtoridad sa shipment naging dahilan sa pagkakadiskubre sa walong brown heat-sealed plastics na nakadeklara bilang dry food na dumating sa bansa noong Disyembre 17, 2023 mula sa California, USA.

Base sa eksaminasyon ng PDEA chemical laboratory, lumalabas na ang laman ng nasabing mga plastic brown bag ay pawang methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, isang dangerous drug sa ilalim ng RA 9165.

Arestado rin ng mga awtoridad ang claimant ng naturang shipment sa pamamagitan ng isang controlled delivery operation nitong Disyembre 19 sa Cavite.

Ayon naman kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang naturang operasyon ay patunay lamang sa kanilang layunin na protektahan ang kalusugan ng publiko laban sa epekto ng illicit drug trade sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

257

Related posts

Leave a Comment